Sunday, June 3, 2012

Filipino Grade 2 Lessons

This June 2012 - March 2013 I'm going to teach Filipino Grade 2 and Grade 3, Here are the expected lessons we were going to have:

Pangungusap -  salita o grupo ng mga salita na nagsasabi ng buong diwa. Nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas.

Halimbawa:

    Naglalaro ang mga bata sa parke.
    Nasa labas ng bahay ang aming alagang aso.
    Nakinig ako kanina sa sermon ng pari sa simbahan.
    Ang bahay nila Ana ay malaki.

Isulat ang PN kung pangungusap o PR kung parirala
:

    Nais kong mamasyal sa tabing-ilog.
    Regalo ng aking Ina
    Napakagandang bulaklak
    Tulungan nating alagaan

SUGNAY at PARILALA

Ang sugnay ay lipon ng mga salitang may simuno at panaguri ngunit bahagi lamang ng pangungusap.

May dalawang  uri ng sugnay:

    Ang sugnay na makapag-iisa ay bahagi ng pangnungusap na may buong diwa kahit ihiwalay sa pangungusap.

    Ang sugnay na di-makapag-iisa naman ay hindi nagbibigay ng pinangungunahan ng pangatnig gaya ng ngunit, samantalang, kung, para, habang.

Halimbawa:

    Sugnay na makapag-iisa

    Ang kalinisan sa kapaligiran ay dapat na panatilihin



    Sugnay na di-makapag-iisa

    nang maging malusog ang bayan natin.

- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - -

Ang parirala ay lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri. Wala itong buong diwa.

Halimbawa:

    ang hangin

    ang mga pulis

    mahirap gawin

KAYARIAN ng SALITA

Payak

    pulo
    sariwa
    gubat

Maylapi

    kapuluan
    napakasariwa
    kagubatan

Inuulit

    punung-puno
    pira-piraso

Tambalan

    bahaghari
    balikbayan
    silid-aralan

Pantinig

Pantig -ay ang bawat bukas ng labi sa pagbigkas ng salita.

-ang bawat pantig ay binubuo ng titik o kombinasyon ng mga titik.

Patinig

    anak
    elepante
    ulan
    utos
    unan

Patinig/Katinig

    itlog
    isla
    isda
    aklat
    antok

Katinig/Patinig

    bata
    puno
    kamay
    guro
    timog

KPK Katinig/patinig/katinig

    kalmot
    bagyo
    kanluran
    baryo
    kalbo

PKK Patinig/Katinig/Katinig

    ekstra
    angkan
    angkin

KKPK Katinig/Katinig/Patinig/Katinig

    trumpo
    dram
    presko
    plantsa

KPKK Katinig/Patinig/Katinig/Katinig

     nars
    kard,
    airport

1 comment: