Showing posts with label Story Fest. Show all posts
Showing posts with label Story Fest. Show all posts

Wednesday, January 16, 2013

MUST READ THIS AND SHARE THIS PIC WITH UR FRIENDS.

Really heart touching.

I was walking around in a Big Bazar store making shopping, when I saw
a Cashier talking to a boy couldn't have been more than 5 or 6 years
old..


The Cashier said, 'I'm sorry, but you don't have enough money to buy
this doll. Then the little boy turned to me and asked: ''are
you sure I don't have enough money?''

I counted his cash and replied: ''You know that you don't have enough
money to buy the doll, my dear.'' The little boy was still holding the
doll in his hand.

Finally, I walked toward him and I asked him who he wished to give
this doll to. 'It's the doll that my sister loved most and wanted so
much . I wanted to Gift her for her BIRTHDAY.


I have to give the doll to my mommy so that she can give it to my
sister when she goes there.' His eyes were so sad while saying this.
'My Sister has gone to be with God.. Daddy says that Mommy is going to
see God very soon too, so I thought that she could take the doll with
her to give it to my sister...''

My heart nearly stopped. The little boy looked up at me and said: 'I
told daddy to tell mommy not to go yet. I need her to wait until I
come back from the mall.' Then he showed me a very nice photo of him
where he was laughing. He then told me 'I want mommy to take my
picture with her so my sister won't forget me.' 'I love my mommy and I
wish she doesn't have to leave me, but daddy says that she has to go
to be with my little sister.' Then he looked again at the doll with
sad eyes, very quietly..

I quickly reached for my wallet and said to the boy. 'Suppose we check
again, just in case you do have enough money for the doll?''

'OK' he said, 'I hope I do have enough.' I added some of my money to
his with out him seeing and we started to count it. There was enough
for the doll and even some spare money.

The little boy said: 'Thank you God for giving me enough money!'


Then he looked at me and added, 'I asked last night before I went to
sleep for God to make sure I had enough money to buy this doll, so
that mommy could give It to my sister. He heard me!'' 'I also wanted
to have enough money to buy a white rose for my mommy, but I didn't
dare to ask God for too much. But He gave me enough to buy the doll
and a white rose. My mommy loves white roses.'


I finished my shopping in a totally different state from when I
started. I couldn't get the little boy out of my mind. Then I
remembered a local

news paper article two days ago, which mentioned a drunk man in a
truck, who hit a car occupied by a young woman and a little girl. The
little girl died right away, and the mother was left in a critical
state. The family had to decide whether to pull the plug on the
life-sustaining machine, because the young woman would not be able to
recover from the coma. Was this the family of the little boy?

Two days after this encounter with the little boy, I read in the news
paper that the young woman had passed away.. I couldn't stop myself as
I bought a bunch of white roses and I went to the funeral home where
the body of the young woman was exposed for people to see and make
last wishes before her burial. She was there, in her coffin, holding a
beautiful white rose in her hand with the photo of the little boy and
the doll placed over her chest. I left the place, teary-eyed, feeling
that my life had been changed for ever...

The love that the little boy had for his mother and his sister is
still, to this day, hard to imagine. And in a fraction of a second, a
drunk driver had taken all this away from him.

Please DO NOT DRINK & DRIVE.

Now you have 2 choices:

1) Forward this message, or

2) Ignore it as if it never touched your heart.

For those who prefer to think that God is not watching over us.... go
ahead and delete this. For the rest of us..... pass this on.

The value of a man or woman resides in what he or she gives, not in what they are capable of receiving.

Thank you for reading :

Saturday, November 3, 2012

Sikat ang Mommy ko!

 
Sikat ang Mommy ko!
Ni:
Caye Marielle D. Trasporto

Si CayeMarielle D. Trasporto ay siyam na taong gulang. Siya ay nasa ikatlong baitang sa Notre Dame Siena College of Polomolok. Siya ay mapagmahal at maaalalahanin.

Introduksyon:
    Handog ni Caye Marielle ang kwentong ito para sa mga bata,magulang at guro. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang napakahalagang nilalang ng Diyos  na hindi makakailang bahagi ng buhay ninuman, ang isang Ina.
    Sa Kwentong  ito nagpaalala sa mag mambabasa ang kadakilaan, kasipagan, karunungan at walang kondisyong pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Sa pag hubog upang ito ay maging mabuting tao at kapakipakinabang sa ating lipunan.

Kwento :

Si Agnes naman ang Best in Math. May kinuhang kwadro ang kanyang mommy mula sa kanilang cabinet. Inalis nito ang certificate na nakalagay roon at ang sa kanya ang ipinalit. Itinago niya ang lumang certificate at isinabit na niya ang certificate ni Agnes na nasa kwadro na.Sabi ng kanyang mommy,ipinagmamalaki raw nito ang lahat ng awards niya kaya inilalagay raw nito ang mga iyon sa sala.Pagdating ng kanyang daddy galing trabaho, sabay-sabay silang kumakain ng hapunan. Pagkatapos maghugas ng pinggan ng kanyang mommy ay gagawin na nila ang kanyang mga takdang-aralin. Lahat ng subjects ang mommy niya ang kanyang tutor.Ang kanyang mommy ang pinakamaagang gumigising sa kanila at nagluluto ng almusal. Inihahanda din siya ng baon at inihahatid sa paaralan. Pagdating ng tanghalian bumabalik ang kanyang mommy para sabay silang mananghalian sa kantina. Napansin niya na ang lahat ng kanyang kaklase ay may yaya maliban sa kanya. “Bakit kaya wala akong yaya”? .Iyon ang laging tanong ni Agnes sa kanyang sarili.
Best in English naman si Agnes pagdating ng ikalawang (Grading). Muling isinabit ng kanyang mommy sa dingding ang certificate na naka kwadro na.
Nasa isang supermarket si Agnes kasama ang kanyang mommy. Kinalabit siya ng kanyang kaklaseng si Ella. “Mommy this is Agnes our topnotcher”.   Ngumiti ang mommy ni Ella. Sino kasama mo hija? Is that your yaya? Usisa ng mommy ni Ella. Bahagya siyang  napayuko at napatango.
Agnes you’re lying! That’s your mommy! You don’t have a yaya! Singhal ni Ella sa kanya. Tumakbo siya papunta sa kanyang mommy. Hindi niya maintindihan ang sarili sa kagustuhan niyang magkaroon ng yaya at para di mapintasan ay nasabi niyang yaya ang kanyang mommy.Kinabukasan, bumisita ang kaibigan ng mommy niya sa kanilang bahay. Emily siya ba si Agnes ang anak mo? Alam mo Agnes maswerte ka sa mommy mo dahil ang mommy mo ang pinaka matalino sa klase namin noon. Siya ang aming Valedictorian. Kaya walang duda mana kasa mommy mo. Nagulat at napanganga nalang si Agnes.Habang abala sa pagluluto ang kanyang mommy. Dali-dali niyang binuksan ang kahon ng cabinet.
Best Manager, Best Employee, and Outstanding woman of the Philippines.
Tumambad ang sari-saring awards ng kanyang mommy. Hindi niya namalayan ang paglapit ng kangyang mommy. Nang ipinanganak kita nag bitiw ako sa dati kong trabaho.Gusto kong personal na alagaan kita. Nanatiling nakatingin sa mga certificate si Agnes at nakikinig sa kanyang mommy.
Kina umagahan, nagulat ang mommy ni Agnes. May pinakamalaking kwadro na nakasabit sa kanilang dingding.
THE BEST MOMMY IN THE WORLD. YOU ARE THE REAL TOPNOTCHER. NOT ME.
Ngumiti si Emily, sabay patak ng luha niya. Niyakap niya si Agnes.
“Mom… I’m sorry…”
Naunawaaan niya iyon at hindi niya maiwasan ang maiyak.

WAKAS




Tuesday, October 23, 2012

Si Kikoy




Si Kikoy
ni
Daryl B. Baniqued



About the Author!

Daryl B. Baniqued

Si Daryl ay nag aaral sa Notre Dame Siena College of Polomolok. Siya ay nasa ikatlong baitang ng elementary at siya ay siyam na taong gulang. Mahilig si Daryl sa larong Basketball. Mahilig din siyang magbasa ng mga libro lalo na ng mga libro sa kanilang paaralan. Si Daryl ay panganay at nag iisang anak ni Ginoong Reynold Baniqued at Ginang Dolores Baniqued.

Introduction

Itinuturing na Man’s Bestfriend o matalik na kaibigan ang mga aso. Nagbibigay aliw ito at nagpapagaan ng loob lalo pa at maamo. Ang aso ay tinuturing na kapamilya ng iilan sa atin, hindi lng ng mga Pilipino pati na rin ng iilang tao sa buong mundo. Mahalin natin at alagaan ang mga aso at tuklasin ang mga talento nito na marahil ay pwedeng mkatulong sa atin.


Kwento:

Bata pa lang si Nono ay kalaro na niya ang asong si Kokoy. Mabait ang asong itinuring niyang kapatid. Lage niya itong kasama. Walang araw na hindi sila naglalaro ng alagang si Kokoy. Mahal na mahal niya ito kaya hanggang sa magkapamilya siya ay kasama niya parin ito. Isang araw habang namamasyal si Nono kasama ang anak at si Kokoy ay may aksidenteng nangyari. May sasakyang paparating sa direksiyon ng anak ni Nono, sinubukang sagipin ni Nono ang kanyang anak subalit hindi nito nagawa. Nakita nalang niyang tumalon ang asong si Kokoy sa harap ng rumaragasang sasakyan at sa kasamaang palad siya ay nasawi. Ibinuwis ng asong si Koko yang sariling buhay alang-alang sa anak ni Nono.

Wakas!

Ang Narra ni Larry




Marriah Farnchesca Ramada

TUNGKOL SA TAGAPAG-UGNAY :


Si Marriah Franchesca Ramada ay isang elementarya sa eskwelahan ng Notre Dame- Siena College sa Polomolok.  Nakatira sa Purok Hechanova Polomolok, South Cotabato.  Tinuturuan ng gurong si Adoniemar Doliguez. Si Marriah Franchesca ay nasa Ikatatlong Baiting pa lamang at pinapagawa ng kanilang guro ng kwento.


PANIMULA:


Ang puno ay mahalaga sa atin.  Ito ay tumutulong para hindi bahain ang ating lugar. Pinapaganda at pinapalamig nito ang kapaligiran.  Pinagkukunan din ito ng pagkain at kabuhayan.

Ang kwentong ito ay tungkol sa batang si Larry at punong narra kanyang itinanim.

Para sa ating kaalaman, ang Narra ay an gating pambansang puno na pinagkukunan ng pinakamagandang uri ng kahoy na pwedeng gawing mga kagamaitan tulad ng upuan, lamesa  at iba pa.


ANG KWENTO:

Isang araw maagang umuwi si Larry galling sa eskwela. Makikita sa kanyang mukha ang saya dahil kanyang napagalaman ang magandang idudulot ng pagtanim ng kahoy.

Pagpasok pa lang niya sa bahay nila ay dali-dali itong nagbihis at pumunta sa likod bahay para maghanap ng punong pwedeng itanim.  Pinili niya ang puno  ng narra dahil alam niya na ito ang pinakamagaandang puno na pwedeng magamit bilang kasangkapan.  Masaya siyang itinanim ang puno.

Araw-araw bago pumasok sa eskwela ay dinidiligan niya ito.  Pagdating ng hapon ay binibisita at kinakausap n’ya ito.  Mabilis na lumago ang punong Narra na kanyang itinanim.

Natuwa ang ama at ina ni Larry ng malaman nila na nagtanim siya ng puno ng Nara.  Sinabihan siya ng kanyang ama na “Tama ang ginawa mo anak, kasi ang punong iyan ay makakatulong sa ating kapaligiran gaya sa panahong ito na mainit, iyan ang magbigay ng lilim at malamig na simoy ng hangin.” Masayang-masaya si Larry sa papuring natanggap niya sa kanyang ama at ina.







Friday, October 12, 2012

ANG PAGTUKLAS NI JENNIE SA KAYAMANAN NG GUBAT



ANG PAGTUKLAS NI JENNIE SA KAYAMANAN NG GUBAT
NI:
KRISNA SHAYNE R. AMORIO




INTRODUCTION:
ANG KWENTONG ITO AY TUNGKOL SA ISANG STUDYANTE  NA NAKATUKLAS NA MAYAMAN PALA ANG GUBAT.SI JENNIE AY ISANG STUDYANTE SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS.NAKATIRA SIYA SA ISANG BAYAN NA MALAPIT SA BUNDOK. GUSTONG-GUSTO NIYANG PUMUNTA SA GUBAT. SAMAHAN MO SI JENNIE SA KANYANG PAGLALAKBAY SA PAMAMAGITAN NG PAGBASA NG LIBRONG ITO.




ANG PAGTUKLAS NI JENNIE SA KAYAMANAN NG GUBAT

             SI JENNIE AY ISANG ISTUDYANTE SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS.MAYAMAN SILA AT NAKATIRA SA ISANG BAYAN MALAPIT SA BUNDOK.GUSTONG-GUSTO NI JENNIE MAGING ISANG EXPLORER. GUSTONG-GUSTO NYA DIN PUMUNTA SA GUBAT. NOON AKALA NI JENNIE NA HINDI MAYAMAN ANG GUBAT KAYA GUSTO NIYANG PUMUNTA DOON SA GUBAT PRA MALAMAN KUNG TAMA BA SIYA. SABI NIYA SA KANYANG MOMMY, “MOMMY GUSTONG-GUSTO KO TALAGA NA MAGING EXPLORER”. PWEDE KA NAMAN MAG EXPLORE EH KUNG MAY KASAMA KA LANG”. SABI NG KANYANG MOMMY. KAYA ISANG PLANO ANG NABUO SA ISIPAN NI JENNIE. ISANG ARAW, TINAWAGAN NIYA ANG KANYANG WALO(8) KAIBIGAN NA SI JESICCA, GLORY, JOYJOY,NOEL,ANG KAMBAL NA SI CARLO,PAULA, AT SI KRISTINE. SINABI NI JENNIE. “MGA KAIBIGAN…PUWEDE NIYO BA AKONG SAMAHAN SA PAGPUNTA SA GUBAT? 5 DAYS LANG NAMAN EH. ANG KAILANGAN LANG NATING GAWIN DOON AY MAG OBSERVE. MAGPAALAM LANG KAYO SA MGA MAGULANG NINYO. “OKEY” ANG SAGOT NG MGA KAIBIGAN NIYA. PUMAYAG ANG MGA MAGULANG NG KANYANG MGA KAIBIGAN. NAGPAALAM DIN SI JENNIE SA KANYANG MGA MAGULANG. “SIGE ANAK BASTA MAG-INGAT LANG KAYO”. TUWANG-TUWA SI JENNIE SA  SINABI NG KANYANG MGA MAGULANG.  MGA KAIBIGAN...KAILANGAN TAYONG MAGDALA NG TENTS, KAHOY, TUBIG, PAGKAIN, GAMOT AT IBA PANG KAILANGAN NATIN. “OKEY JENNIE” SABI NG MGA KAIBIGAN NIYA. UMABOT NG LIMANG ARAW ANG PAGHAHANDA NILA PARA MAKAPUNTA NA SILA SA BUNDOK. NANG PUMUNTA NA SILA SA BUNDOK AY NAGHAWAK-KAMAY SILA SA PAG-AKYAT. GUMAMIT SILA NG KOMPAS SA KANILANG PAGLALAKBAY PARA HINDI   SILA MALIGAW. NANG UMABOT NA SILA SA KANILANG DESTINASYON AT TAMANG LUGAR AY AGAD NILANG IPINATAYO ANG KANILANG TENT NA DALA. NAPA WOW SI JENNIE SA GANDA NG KANYANG NAKITA SA GUBAT.  ANG SARAP NG PAKIRAMDAM...ANG SARIWA NG HANGIN DITO. NAKITA NIYA DOON ANG IBA’T IBANG URI NG HALAMAN AT PUNO. MARAMI DING MGA IBA’T IBANG HAYOP AT PRUTAS. PUPUNTA PA SANA SIYA SA UNAHAN NG SUMIGAW ANG KAIBIGAN NIYA NA SI JESSICA. “JENNIE, JENNIE, NAUBUSAN TAYO NG PAGKAIN. NATAPON HABANG TAYO AY NAGLALAKBAY PAPUNTA DITO. SABI NI JENNIE. “HUWAG KAYONG MAG-ALALA MGA KAIBIGAN MAKAKAHANAP DIN TAYO DITO SA GUBAT NG PAGKAIN. PAIKOT-IKOT SILA SA PALIGID, DOON NAKITA NILA ANG PUWEDE NILANG KAININ. MAY SAGING, KAMOTE, MANGGA AT IBA PA… AT DAHIL DOON AY MAY NAKAIN NA SILA AT HINDI SILA NAGUTOM SA GUBAT. GANITO PALA DITO SA GUBAT. SARIWA ANG HANGIN AT MARAMI KANG MAKIKITANG PRUTAS AT HALAMAN. NOONG UMUWI NA SILA AY MASAYA SI JENNIE DAHIL NATUKLASAN NIYA KUNG GAANO PALA KA YAMAN ANG KAGUBATAN. MASAYANG NIYA KINUWENTO SA KANYANG MGA MAGULANG ANG LAHAT NG NAKITA NIYA AT NANGYARI. AT DAHIL DOON AY NALAMAN NIYA NA ANG TOTOO-NA MAYAMAN PALA ANG KAGUBATAN…
‘‘WAKAS’’

Friday, October 5, 2012

Ang Aso Ni Carlos


Ang Aso Ni Carlos
Kay
Emerald Pauline G. Mantilla



Introduction:
  Ang kwentong ito ay nagsasaad tungkol sa isang aso na alaga ni Carlos. Si Carlos ay mabait na amo na nag-aalaga ng aso. Ang aso na ito ay mabait at masunurin kay Carlos.


Kwento:
Isang araw si Carlos ay namasyal sa plasa kasama nito ang kanyang aso na si Embong. Si Embong ay kulay itim, mataba, may mahabang ilong, bilog ang mata,at may maikling buntot. Si Carlos ay maalagang bata lalo na  sa kanyang aso na si Embong. Katabi nya ito sa pag tulog at kasabay nya ito sa pag-ligo. Si Embong lamang ang nag sisilbing kalaro ni Carlos pag sya ay nasa bahay.
Sa tuwing wala ang mga magulang ni Carlos ang paglalaro kay Embong ang kanyang pam palipas oras. Mahal na mahal ni Carlos ang kanyang aso kasi ito ay masipag at iba sya sa lahat ng mga alagang aso ni Carlos. Si Embong ay masipag, masunurin, matalino  at ma-among aso. Si Embong ang nag babantay ng bahay nila pag si Carlos ay pumupunta sa kanyang paaralan.Kaya sa tuwing pag uwi ni Carlos sa kanilang bahay ay may pasalubong ito para kay Embong.

Wakas!

Monday, October 1, 2012

ANG MAHIWAGANG ASO

ANG MAHIWAGANG ASO
KAY
BERJAN C. PAGADATAN




Introduction:

 Kailangan natin ang kasama  kahit saan man tayo mag punta sa bahay man o sa ibat ibang lugar,dahil maraming masasamang loob na ang nasa mundo kahit itoy hayop o tao hindi natin maliitin ang kanilang kakayahan.Tulad ni haring Arthur nanalo siya sa labanan nila ni haring Adan dahil sa kanyang mga alagang aso.



“ANG MAHIWAGANG ASO”
Ni: Berjan C. Pagadatan

   Isang araw sa GOLDEN EMPIRE ay merong isang hari na nagngangalang ARTHUR siya si haring Arthur na anak ng dating harina si haring PHILLIP.Si haring ARTHUR  ay may alagang aso na ni regalo pa na ng dating hari bago siya namatay. Pinangalanan ni haring Arthur ang asong pula na si CYRUS,ang dilaw naman ay si FLINTON at ang maamo na kulay tsokolate ay si WALTER. Lingid sa kaalaman ng  hari, itong mga aso ay may tinatagong pambihirang kapangyarihan, para silang tao na may isip kaya alam nila na hindi dapat sila mawalay sa tabi ng hari. Kahit san magpunta ang hari ay laging nakabontot sa kanya ang tatlong mga alaga.
Makalipas ang ilang araw at buwan may masamang loob ang umatake sa kanilang kaharian. Ang dating gustong sumakop sapalasyo noong buhay pa ang kanyang ama. Ang BLACK MAGIC inatake nila ang palasyo ng hating gabi  upang di makapaghanda ang mga tao ni haring ARTHUR. Halos lahat ng tauhan ng hari ay sugatan at mayron din nasawi. Kinaumagahan may nakita ang isang sundalo ng hari na sulat na akakabit sa sa dingding ng palasyo.Binasa ito ng hari.

Mahal na haring Arthur, Bibigyan kita ng tatlong araw para lumisan dito sa kaharian ng GOLDEN  EMPIRE.
HARING ADAN Galit na galit ang hari at maya maya tinawag niya ang mga tauhan  niya  na lumusob sa kaharian ni ADAN sa BLACK MAGIC hinamon  niya ang hari at doon naganap ang kanilang pag-tutuos, Ngunit sa  kabila ng lahat nangamba pa rin si haring ARTHUR dahil hindi na sapat ang kanyang mga sundalo. Naganap ang madugong labanan ng mag kaibang kaharian ngunit sa tulong ng mahiwagang  mga aso natalo si haring Adan, at doon nalaman ng haring ARTHUR na ang kanyang mga  alaga ay may kakaibang apangyarihan. 

Hanggang sa tuluyang nasakop ni haring Arthhur ang BLACK MAGIC. Pagkalipas ng ilang araw nagkaroon ng malaking salo salo sa palasyo  at doon pinarangalan ng hari ang kanyang mga alaga at tinuring na silang kanang kamay ng hari….

W.A.K.A.S




Ang Batang Nanaginip Na Siya ay Nakakalipad

Ang Batang Nanaginip Na
Siya ay Nakakalipad 
kay :
Shane Andrea S. Acaylar



“Introduction”

Itong kwentong ito ay tungkol sa isang bata na nananaginip na siya ay nakakalipad.Nang lumaon paminsan-minsan na lamang kung siya’y dalawin ng panaginip na iyon.Sa pagraan ng maraming taon,kinsasabikan niya ang pagbabalik ng panaginip,kinasabikan niyang muling mahaplos sa kanyang likod ang magilas na mga pakpak.

“Kwento”

Noong siya’y paslit pa lamang,madalas managinip si Selina na siya’y tinibuan ng pakpak,at Malaya siyang nakalilipad sa langit,sumisisid sa himpapawid tumutulong sa bahaghari,pumapaimbulog sa loob at labas ng mapuputing ulap.Nakatunghay siya sa isang planetang luntia’t bughaw,sa mga bukid at bundok,sa mga ilog at dagat.

Buong buo ang kanyang pakiramdam na lahat ng ito’y nangyayari nga sa kanya walang kasinggaan ang kanyang katawan.Damang-dama niya ang hugos ng hangin,ang salakab ng araw sa kanya sa papawirin,ang halumigmig ng ulap,ang nakalululang bulusok at muling pagsibad paakyat sa langit!Sa kanyang paglingon,natanaw niyang humahabol ang kanyang mga kaibigan ang maya,ang tutubi,at paruparo.Biglang-bigla,lulukob muli ang gabi.Ang ulap ay mahahalinhan ng mga anino sa dilim.Ang magaan pa sa hanging pakiramdam ay magiging simbigat ng batong kalungkutan.Lagi siyang nagigising sa madaling araw kapag naglalahong parang bula ang panaginip,at bawat paghugot niya ng hininga ay may kasamang kirot na hindi niya maunawaan.

Nang lumaon,paminsan-minsan na lamang kung siya’y dalawin ng panaginip na iyon.Napansin ng kanyang mga magulang,napailing ang mga ito.

“Baka ang panaginip mo ay maging pangarap,na di kayang abutin at napakataas!”ang sabi ng kanyang Itay,na natatawa.

“Anak,huwag ka ng mangarap na maging anghel.Anghel ka na sa amin,kahit wala kang pakpak!”ang sabi ng kanyang Inay
Sa pagraan ng maraming taon,kinasabikan niya ang pagbabalik ng panaginip.Kinasabikan niyang muling mahaplos sa kanyang likod ang magilas na mga pakpak na naghatid sa kanya sa matayog na ulap.

“WAKAS”

Ang Prinsesa ay Isang Sirena

Ang Prinsesa ay Isang Sirena
kay:
Ixia Marie E. Bagatila



Introduction:
                
Dapat hindi tayo naglilihim sa ating kapwa tao.
Dahil pwede tayong  layuan ng mahal natin sa buhay.                        


Ang Kuwento

May isang malaking kaharian sa tabi ng dagat, ito ay isang napakagandang kaharian. May isang magandang prinsesa na nakatira dito at Merliya ang kanyang pangalan. Si Prinsesa Merliya ay mabait at maganda, sya ay may nakakamanghang tinig at mahilig syang umawit. Mahal na mahal sya ng kanyang sinasakupan dahil sa mabuti nyang kalooban.  

      Isang araw may isang prinsepe na nakagusto kay Prinsesa Merliya at napamahal ito sa kanya. Ngunit tila hindi lubos ang kaligayahan na kangyang nadarama dahil natatakot syang matuklasan ang kanyang lihim at lumayo ito sa kanya. Tuwing gabi pala sa ay lumalabas at pumupunta sa dagat dahil sya ay isang serena, at magdamag syang lumalangoy at namamasyal sa dagat. Isang gabi ng umahon sya sa dagat nadatnan niya na  nakaabang ang prinsepe sa dalampasigan.

Takot na takot si Prinsesa Merliya dahil natuklasa na ng prinsepe ang kanyang lihim. Ngunit hindi natakot ang prinsepe at lumapit parin ito sa kanya dahil mahal na mahal nya ang prinsesa. Lubos ang kaligayahan ni Prinsesa Merliya dahil tanggap ng kanyang mahal na prinsepe ang kanyang lihim at namuhay silang maligaya….
            WAKAS!

Thursday, September 27, 2012

Ang kuweba ng Asong Daga

Ang Kuweba ng Asong Daga
kay:
Giann Benedict Condino

Tungkol sa Manunulat:

Giann Benedict Condino
 Si Giann ay nag-aaral sa paaralan ng Notre Dame – Siena College of Polomolok sa Baitang ng Grade 3 St. Hyacinth. Siya ay nakatira sa Munisipalidad ng Polomolok.  Mula sa paunang sulat niyang kwento na pinamagataang “Ang Kweba ng Asong Daga”, dito niya nailimbag ang kwento tungkol sa magkapatid na nakakita ng kakaibang aso na parang daga. Sa edad na 8 (walo) siya ay nakagawa ng kwento tungkol sa kakaibang nilalang. 

Panimula
“Tahanan….isang lugar na sama-samang naninirahan ang isang pamilya na masaya at nagmamahalan.”

Ang kwentong “Ang Kuweba ng Asong Daga” ay tungkol sa tatlong magkakapatid at asong si Asoga na nakita nila sa isang kuweba sa gubat. Dahil sa awa nila sa aso, dinala nila ito sa kanilang bahay…malayo sa kinagisnang tahanan ng aso sa gubat. Hindi naging masaya si Asoga kung kaya ibinalik na lamang nila ito sa kuweba sa gubat.

Ang Kuwento
Isang araw, masayang namamasyal sa gubat ang tatlong magkakapatid na Benedicto, Bernardo at Bernadetta. Biglang may nakita si Bernardo. “Kuya, ano ‘yon?”
Isang kakaibang hayop ang nakita nila. “Dali, habulin natin,” sabi ni Benedicto. Pumasok ang kakaibang nilalang sa kuweba. Takot man sila ay pumasok na rin sila sa kuweba. Sa kanilang pagkabigla, hindi naman pala nakakatakot ang kuweba. Maayos ito at maliwanag. “Dito siya nakatira?” tanong ni Bernadetta. “Ano’ng uri ng hayop ba siya, Kuya? Siya’y kakaiba.”
Talaga ngang kakaiba ito. Parang aso ito ngunit ito ay may malaking ngipin, mahaba na buntot at kumakain na parang daga. Kung ano ang kinakain ng daga ay siya ring kinakain ng aso. Hindi ito kumakahol. Ang huni nito ay parang sa daga. “Aso na daga?!” sabay na sigaw ng tatlo. “Bigyan natin siya ng pangalan. Siya na si Asoga…ang asong daga,” sabi ni Bernadetta.
Naawa ang magkapatid sa kalagayan ng aso sa kuweba kaya dinala nila ito sa kanilang bahay. Subalit, naging malungkot ang aso doon. Hindi ito kumakain. Hindi rin nakikipaglaro sa kanila. Kaya nagpasya silang ibalik ito sa gubat.
Sa pagpasok nila sa gubat, mabilis na tumakbo si Asoga. Namangha sila sa nakitang sangkatutak na daga na sumalubong kay Asoga. Tuwang-tuwa si Asoga. Tuwang-tuwa rin ang mga daga. Mga daga pala ang kasama ni Asoga sa loob ng kuweba.
“Tama lamang na ibinalik natin si Asoga sa kuweba. Ito ang kanyang tahanan kasama ang mga daga,” sabi ni Benedicto. “Ako man ay malulungkot kapag hindi kayo kasama at napalayo sa ating tahanan.”
Iniwan ng tatlo si Asoga sa kuweba. Tuwing Sabado, dinadalaw nila ito at dinadalhan ng paborito niyang keso.