Tuesday, October 23, 2012

Si Kikoy




Si Kikoy
ni
Daryl B. Baniqued



About the Author!

Daryl B. Baniqued

Si Daryl ay nag aaral sa Notre Dame Siena College of Polomolok. Siya ay nasa ikatlong baitang ng elementary at siya ay siyam na taong gulang. Mahilig si Daryl sa larong Basketball. Mahilig din siyang magbasa ng mga libro lalo na ng mga libro sa kanilang paaralan. Si Daryl ay panganay at nag iisang anak ni Ginoong Reynold Baniqued at Ginang Dolores Baniqued.

Introduction

Itinuturing na Man’s Bestfriend o matalik na kaibigan ang mga aso. Nagbibigay aliw ito at nagpapagaan ng loob lalo pa at maamo. Ang aso ay tinuturing na kapamilya ng iilan sa atin, hindi lng ng mga Pilipino pati na rin ng iilang tao sa buong mundo. Mahalin natin at alagaan ang mga aso at tuklasin ang mga talento nito na marahil ay pwedeng mkatulong sa atin.


Kwento:

Bata pa lang si Nono ay kalaro na niya ang asong si Kokoy. Mabait ang asong itinuring niyang kapatid. Lage niya itong kasama. Walang araw na hindi sila naglalaro ng alagang si Kokoy. Mahal na mahal niya ito kaya hanggang sa magkapamilya siya ay kasama niya parin ito. Isang araw habang namamasyal si Nono kasama ang anak at si Kokoy ay may aksidenteng nangyari. May sasakyang paparating sa direksiyon ng anak ni Nono, sinubukang sagipin ni Nono ang kanyang anak subalit hindi nito nagawa. Nakita nalang niyang tumalon ang asong si Kokoy sa harap ng rumaragasang sasakyan at sa kasamaang palad siya ay nasawi. Ibinuwis ng asong si Koko yang sariling buhay alang-alang sa anak ni Nono.

Wakas!

No comments:

Post a Comment