Marriah Farnchesca Ramada
Si Marriah Franchesca Ramada ay isang elementarya sa eskwelahan ng Notre Dame- Siena College sa Polomolok. Nakatira sa Purok Hechanova Polomolok, South Cotabato. Tinuturuan ng gurong si Adoniemar Doliguez. Si Marriah Franchesca ay nasa Ikatatlong Baiting pa lamang at pinapagawa ng kanilang guro ng kwento.
PANIMULA:
Ang puno ay mahalaga sa atin. Ito ay tumutulong para hindi bahain ang ating lugar. Pinapaganda at pinapalamig nito ang kapaligiran. Pinagkukunan din ito ng pagkain at kabuhayan.
Ang kwentong ito ay tungkol sa batang si Larry at punong narra kanyang itinanim.
Para sa ating kaalaman, ang Narra ay an gating pambansang puno na pinagkukunan ng pinakamagandang uri ng kahoy na pwedeng gawing mga kagamaitan tulad ng upuan, lamesa at iba pa.
ANG KWENTO:
Isang araw maagang umuwi si Larry galling sa eskwela. Makikita sa kanyang mukha ang saya dahil kanyang napagalaman ang magandang idudulot ng pagtanim ng kahoy.
Pagpasok pa lang niya sa bahay nila ay dali-dali itong nagbihis at pumunta sa likod bahay para maghanap ng punong pwedeng itanim. Pinili niya ang puno ng narra dahil alam niya na ito ang pinakamagaandang puno na pwedeng magamit bilang kasangkapan. Masaya siyang itinanim ang puno.
Araw-araw bago pumasok sa eskwela ay dinidiligan niya ito. Pagdating ng hapon ay binibisita at kinakausap n’ya ito. Mabilis na lumago ang punong Narra na kanyang itinanim.
Natuwa ang ama at ina ni Larry ng malaman nila na nagtanim siya ng puno ng Nara. Sinabihan siya ng kanyang ama na “Tama ang ginawa mo anak, kasi ang punong iyan ay makakatulong sa ating kapaligiran gaya sa panahong ito na mainit, iyan ang magbigay ng lilim at malamig na simoy ng hangin.” Masayang-masaya si Larry sa papuring natanggap niya sa kanyang ama at ina.

No comments:
Post a Comment