Ang Aso Ni Carlos
Kay
Emerald Pauline G. Mantilla
Introduction:
Ang kwentong ito ay nagsasaad tungkol sa isang aso na alaga ni Carlos. Si Carlos ay mabait na amo na nag-aalaga ng aso. Ang aso na ito ay mabait at masunurin kay Carlos.
Kwento:
Isang araw si Carlos ay namasyal sa plasa kasama nito ang kanyang aso na si Embong. Si Embong ay kulay itim, mataba, may mahabang ilong, bilog ang mata,at may maikling buntot. Si Carlos ay maalagang bata lalo na sa kanyang aso na si Embong. Katabi nya ito sa pag tulog at kasabay nya ito sa pag-ligo. Si Embong lamang ang nag sisilbing kalaro ni Carlos pag sya ay nasa bahay.
Sa tuwing wala ang mga magulang ni Carlos ang paglalaro kay Embong ang kanyang pam palipas oras. Mahal na mahal ni Carlos ang kanyang aso kasi ito ay masipag at iba sya sa lahat ng mga alagang aso ni Carlos. Si Embong ay masipag, masunurin, matalino at ma-among aso. Si Embong ang nag babantay ng bahay nila pag si Carlos ay pumupunta sa kanyang paaralan.Kaya sa tuwing pag uwi ni Carlos sa kanilang bahay ay may pasalubong ito para kay Embong.
Wakas!

No comments:
Post a Comment