ANG MAHIWAGANG ASO
KAY
BERJAN C. PAGADATAN
Introduction:
“ANG MAHIWAGANG ASO”
Ni: Berjan C. Pagadatan
Isang araw sa GOLDEN EMPIRE ay merong isang hari na nagngangalang ARTHUR siya si haring Arthur na anak ng dating harina si haring PHILLIP.Si haring ARTHUR ay may alagang aso na ni regalo pa na ng dating hari bago siya namatay. Pinangalanan ni haring Arthur ang asong pula na si CYRUS,ang dilaw naman ay si FLINTON at ang maamo na kulay tsokolate ay si WALTER. Lingid sa kaalaman ng hari, itong mga aso ay may tinatagong pambihirang kapangyarihan, para silang tao na may isip kaya alam nila na hindi dapat sila mawalay sa tabi ng hari. Kahit san magpunta ang hari ay laging nakabontot sa kanya ang tatlong mga alaga.
Makalipas ang ilang araw at buwan may masamang loob ang umatake sa kanilang kaharian. Ang dating gustong sumakop sapalasyo noong buhay pa ang kanyang ama. Ang BLACK MAGIC inatake nila ang palasyo ng hating gabi upang di makapaghanda ang mga tao ni haring ARTHUR. Halos lahat ng tauhan ng hari ay sugatan at mayron din nasawi. Kinaumagahan may nakita ang isang sundalo ng hari na sulat na akakabit sa sa dingding ng palasyo.Binasa ito ng hari.
Mahal na haring Arthur, Bibigyan kita ng tatlong araw para lumisan dito sa kaharian ng GOLDEN EMPIRE.
HARING ADAN Galit na galit ang hari at maya maya tinawag niya ang mga tauhan niya na lumusob sa kaharian ni ADAN sa BLACK MAGIC hinamon niya ang hari at doon naganap ang kanilang pag-tutuos, Ngunit sa kabila ng lahat nangamba pa rin si haring ARTHUR dahil hindi na sapat ang kanyang mga sundalo. Naganap ang madugong labanan ng mag kaibang kaharian ngunit sa tulong ng mahiwagang mga aso natalo si haring Adan, at doon nalaman ng haring ARTHUR na ang kanyang mga alaga ay may kakaibang apangyarihan.
Hanggang sa tuluyang nasakop ni haring Arthhur ang BLACK MAGIC. Pagkalipas ng ilang araw nagkaroon ng malaking salo salo sa palasyo at doon pinarangalan ng hari ang kanyang mga alaga at tinuring na silang kanang kamay ng hari….
W.A.K.A.S

No comments:
Post a Comment