Monday, October 1, 2012

Ang Prinsesa ay Isang Sirena

Ang Prinsesa ay Isang Sirena
kay:
Ixia Marie E. Bagatila



Introduction:
                
Dapat hindi tayo naglilihim sa ating kapwa tao.
Dahil pwede tayong  layuan ng mahal natin sa buhay.                        


Ang Kuwento

May isang malaking kaharian sa tabi ng dagat, ito ay isang napakagandang kaharian. May isang magandang prinsesa na nakatira dito at Merliya ang kanyang pangalan. Si Prinsesa Merliya ay mabait at maganda, sya ay may nakakamanghang tinig at mahilig syang umawit. Mahal na mahal sya ng kanyang sinasakupan dahil sa mabuti nyang kalooban.  

      Isang araw may isang prinsepe na nakagusto kay Prinsesa Merliya at napamahal ito sa kanya. Ngunit tila hindi lubos ang kaligayahan na kangyang nadarama dahil natatakot syang matuklasan ang kanyang lihim at lumayo ito sa kanya. Tuwing gabi pala sa ay lumalabas at pumupunta sa dagat dahil sya ay isang serena, at magdamag syang lumalangoy at namamasyal sa dagat. Isang gabi ng umahon sya sa dagat nadatnan niya na  nakaabang ang prinsepe sa dalampasigan.

Takot na takot si Prinsesa Merliya dahil natuklasa na ng prinsepe ang kanyang lihim. Ngunit hindi natakot ang prinsepe at lumapit parin ito sa kanya dahil mahal na mahal nya ang prinsesa. Lubos ang kaligayahan ni Prinsesa Merliya dahil tanggap ng kanyang mahal na prinsepe ang kanyang lihim at namuhay silang maligaya….
            WAKAS!

No comments:

Post a Comment