Saturday, November 3, 2012

Sikat ang Mommy ko!

 
Sikat ang Mommy ko!
Ni:
Caye Marielle D. Trasporto

Si CayeMarielle D. Trasporto ay siyam na taong gulang. Siya ay nasa ikatlong baitang sa Notre Dame Siena College of Polomolok. Siya ay mapagmahal at maaalalahanin.

Introduksyon:
    Handog ni Caye Marielle ang kwentong ito para sa mga bata,magulang at guro. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang napakahalagang nilalang ng Diyos  na hindi makakailang bahagi ng buhay ninuman, ang isang Ina.
    Sa Kwentong  ito nagpaalala sa mag mambabasa ang kadakilaan, kasipagan, karunungan at walang kondisyong pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Sa pag hubog upang ito ay maging mabuting tao at kapakipakinabang sa ating lipunan.

Kwento :

Si Agnes naman ang Best in Math. May kinuhang kwadro ang kanyang mommy mula sa kanilang cabinet. Inalis nito ang certificate na nakalagay roon at ang sa kanya ang ipinalit. Itinago niya ang lumang certificate at isinabit na niya ang certificate ni Agnes na nasa kwadro na.Sabi ng kanyang mommy,ipinagmamalaki raw nito ang lahat ng awards niya kaya inilalagay raw nito ang mga iyon sa sala.Pagdating ng kanyang daddy galing trabaho, sabay-sabay silang kumakain ng hapunan. Pagkatapos maghugas ng pinggan ng kanyang mommy ay gagawin na nila ang kanyang mga takdang-aralin. Lahat ng subjects ang mommy niya ang kanyang tutor.Ang kanyang mommy ang pinakamaagang gumigising sa kanila at nagluluto ng almusal. Inihahanda din siya ng baon at inihahatid sa paaralan. Pagdating ng tanghalian bumabalik ang kanyang mommy para sabay silang mananghalian sa kantina. Napansin niya na ang lahat ng kanyang kaklase ay may yaya maliban sa kanya. “Bakit kaya wala akong yaya”? .Iyon ang laging tanong ni Agnes sa kanyang sarili.
Best in English naman si Agnes pagdating ng ikalawang (Grading). Muling isinabit ng kanyang mommy sa dingding ang certificate na naka kwadro na.
Nasa isang supermarket si Agnes kasama ang kanyang mommy. Kinalabit siya ng kanyang kaklaseng si Ella. “Mommy this is Agnes our topnotcher”.   Ngumiti ang mommy ni Ella. Sino kasama mo hija? Is that your yaya? Usisa ng mommy ni Ella. Bahagya siyang  napayuko at napatango.
Agnes you’re lying! That’s your mommy! You don’t have a yaya! Singhal ni Ella sa kanya. Tumakbo siya papunta sa kanyang mommy. Hindi niya maintindihan ang sarili sa kagustuhan niyang magkaroon ng yaya at para di mapintasan ay nasabi niyang yaya ang kanyang mommy.Kinabukasan, bumisita ang kaibigan ng mommy niya sa kanilang bahay. Emily siya ba si Agnes ang anak mo? Alam mo Agnes maswerte ka sa mommy mo dahil ang mommy mo ang pinaka matalino sa klase namin noon. Siya ang aming Valedictorian. Kaya walang duda mana kasa mommy mo. Nagulat at napanganga nalang si Agnes.Habang abala sa pagluluto ang kanyang mommy. Dali-dali niyang binuksan ang kahon ng cabinet.
Best Manager, Best Employee, and Outstanding woman of the Philippines.
Tumambad ang sari-saring awards ng kanyang mommy. Hindi niya namalayan ang paglapit ng kangyang mommy. Nang ipinanganak kita nag bitiw ako sa dati kong trabaho.Gusto kong personal na alagaan kita. Nanatiling nakatingin sa mga certificate si Agnes at nakikinig sa kanyang mommy.
Kina umagahan, nagulat ang mommy ni Agnes. May pinakamalaking kwadro na nakasabit sa kanilang dingding.
THE BEST MOMMY IN THE WORLD. YOU ARE THE REAL TOPNOTCHER. NOT ME.
Ngumiti si Emily, sabay patak ng luha niya. Niyakap niya si Agnes.
“Mom… I’m sorry…”
Naunawaaan niya iyon at hindi niya maiwasan ang maiyak.

WAKAS




1 comment: