Monday, October 1, 2012

Ang Batang Nanaginip Na Siya ay Nakakalipad

Ang Batang Nanaginip Na
Siya ay Nakakalipad 
kay :
Shane Andrea S. Acaylar



“Introduction”

Itong kwentong ito ay tungkol sa isang bata na nananaginip na siya ay nakakalipad.Nang lumaon paminsan-minsan na lamang kung siya’y dalawin ng panaginip na iyon.Sa pagraan ng maraming taon,kinsasabikan niya ang pagbabalik ng panaginip,kinasabikan niyang muling mahaplos sa kanyang likod ang magilas na mga pakpak.

“Kwento”

Noong siya’y paslit pa lamang,madalas managinip si Selina na siya’y tinibuan ng pakpak,at Malaya siyang nakalilipad sa langit,sumisisid sa himpapawid tumutulong sa bahaghari,pumapaimbulog sa loob at labas ng mapuputing ulap.Nakatunghay siya sa isang planetang luntia’t bughaw,sa mga bukid at bundok,sa mga ilog at dagat.

Buong buo ang kanyang pakiramdam na lahat ng ito’y nangyayari nga sa kanya walang kasinggaan ang kanyang katawan.Damang-dama niya ang hugos ng hangin,ang salakab ng araw sa kanya sa papawirin,ang halumigmig ng ulap,ang nakalululang bulusok at muling pagsibad paakyat sa langit!Sa kanyang paglingon,natanaw niyang humahabol ang kanyang mga kaibigan ang maya,ang tutubi,at paruparo.Biglang-bigla,lulukob muli ang gabi.Ang ulap ay mahahalinhan ng mga anino sa dilim.Ang magaan pa sa hanging pakiramdam ay magiging simbigat ng batong kalungkutan.Lagi siyang nagigising sa madaling araw kapag naglalahong parang bula ang panaginip,at bawat paghugot niya ng hininga ay may kasamang kirot na hindi niya maunawaan.

Nang lumaon,paminsan-minsan na lamang kung siya’y dalawin ng panaginip na iyon.Napansin ng kanyang mga magulang,napailing ang mga ito.

“Baka ang panaginip mo ay maging pangarap,na di kayang abutin at napakataas!”ang sabi ng kanyang Itay,na natatawa.

“Anak,huwag ka ng mangarap na maging anghel.Anghel ka na sa amin,kahit wala kang pakpak!”ang sabi ng kanyang Inay
Sa pagraan ng maraming taon,kinasabikan niya ang pagbabalik ng panaginip.Kinasabikan niyang muling mahaplos sa kanyang likod ang magilas na mga pakpak na naghatid sa kanya sa matayog na ulap.

“WAKAS”

1 comment: